Isa itong kahihiyan kung hindi ko maalala na sa araw ng Abril 9, 1942...ay nasulat na sa kasaysayan ng ating bansa ang pagkakabahid ng dugo sa kabukiran ng Bataan kung saan ang mga magigiting nating kabataang Pilipino, kapos man sa armas o sandata, kawalan man ng makakain at sa gitna ng maraming kalaban na tila langgam kumpara sa kanila ay binagsakan ng mga bomba ng mga kalaban na tila walang katapusan ang pagsalakay ng mga eroplano ng mga kawal-hapones. Isa itong katotohanan ngunit ang kasaysayan ay nababago ng panahon. Ngayon ay tila naman maamo ang mga makabagong panahon ng hapones sa pakikipagkasundo sa ibang karatig na bansa at kabilang na dito ang Pilipinas. Masasabi ko ito sapagkat ako mismo ay nakatira ng panandaliang panahon sa bansa nila. At nakita ko na may angkin naman silang pakikipagkaibigan at hindi na ganoon kabagsik ang kanilang pananaw bilang tao. Mababait din sila at tulad natin marahil ay higit din nilang minamahal ang kanilang bansa at handa silang makipaglaban upang wag magapi ito ng ibang nasyon. Naiba ang ihip ng hangin ngayon...malaki ang naitutulong ngayon ng bansang hapon sa mga karatig lalo na sa usaping pinansyal.
Tanggapin natin naiiba ang kasaysayan...at ano mang pait ang ating naranasan ay maari itong mapalitan ng kakaibang senaryo sa paglipas ng oras...at panahon. Sino ba ang makapagdidiin ngayon kay Marcos sa patuloy na paglilinlang ng mga taong walang hangad kungdi ang magkamal ng salapi ng bayan na dapat sanay sila ang mangangalaga bagkus ay sila pa ang unti-unting pumipiga sa ating bansa kung kayat nalulugmok sa sobrang kahirapan ang ating bansang sinilangan...
Wheew!!
No comments:
Post a Comment
Please be nice... :D