Saturday, April 19, 2008

Playing hardball!




I bought pandesal from a boy who seemed to be 9 or 10 yo. And I wondered how would I feel if my son was in his shoes. There's no problem with being that young vending or plying his trade but my gosh...he is so young and he deserves more than this. But anyway I saw his smile and he seemed to be so much happy helping his parents.
Sabi ko pa sa kanya, boy wag mong hahawakan ng kamay mo yung paninda mong pandesal hah! :) Okey siya kasi nakita kong may plastic siyang ginamit pagkuha ng pandesal. OK hah! Kesa don sa nakikita kong matanda na nagsasawsaw ng tuhog tuhog pabalik balik sa sarsa...eewww daw! Di ba super kadiri yon?! Eh kung suplada ka wag na wag kang bibili ng street food. Teka isa pang hirit, bumili ako ng lugaw, yung babae bago maglagay sa plastic ulit...hinipan ang loob ng plastik...yaiiiks! Ending di ko kinain. Daig pa sila ng batang ito.

ME: Magkano ang pandesal mo boy?
BOY: Two fifty po...
ME: So tubo ka ng .50 sa isa...?
BOY: Opo
ME: Magkano kikitain mo jan?
BOY: Trenta pesos po...

Well...mabait na bata. Nasagi tuloy sa isip ko ang ZTE scandal. Kesa gumala nga naman or maglaro lang, still naiisip pang maglako makatulong lang sa magulang. Sana naman yung mga ibinoto ng tao na mga opisyal ngayon...go back on your word !

1 comment:

  1. Nice one. Yung isang main character sa cast ng ZTE nag tinda na lang ng "BURJER". Was wondering how many "BURJER" he would sell to gain his supposed "commision"?

    ReplyDelete

Please be nice... :D