Friday, February 8, 2008

For the nth nth time...

I always change the color of my blogskin. Naalala ko tuloy ang blog ni Makoy, about KC's line in a shampoo commercial. Ooops am not so sure about this 'coz am not in the Philippines right now so I have no idea what it's all about. Something like, "my mom always told me"...okey mali nga yan pero nobody's perfect talaga. Kahit nga sa blogging may mga ganyang error di ba? Ang nakakatuwa ang daming nagreact but no offense meant naman sa mga taong involved sa production. Medyo masyado yata kayong bilib na hindi magkakamali si KC and that's part of your job to give the best for your viewing audience, at bakit nakaligtas yan kay Ate Shawie? Knowing na napaka-articulate niya. And KC too na talaga namang matalinong bata yan coming from schools na mga bukod na pinagpala lang ang nakakapasok? Well...yan ang reality. Lahat tayo ay nagkakamali. Ipagpaumanhin po, nabanggit ko lang ang topic na yan since I used the adverb always also in the first sentence of this post.

Let's accept the fact that everyone do make mistakes. And nobody is an exception. Right?!!!

A Japanese friend once told me...
"It will be rain" and
"My husband is make"
At eto naman...
"I don't like to talk to your mom, she is pretending her innocent"
"Maganda sa Japan kasi gusto nilang matulungan ang mga batang may kapansanan lalo na yung mga otestik(autistic)..."

At hindi ko makalimutan ang aking pinsan, (di ko siya ikinahihiya) siya po ang naglalaba ng aming mga damit. Minsan tumawag siya sa phone asking kung kelan siya pupunta sa house. I told her, punta ka ng Thursday. And she said,"Ano ung Thursday...hindi ko alam yon...tagalugin mo na lang."

nosebleeds
:D

At walang mananalo sa isang ito, looking so sad she told me na may missiles daw ang anak nya. Gusto kong tanungin kung guided ba or ballistic like me...lol...hay naku ang saya saya. Nakakaalis minsan ng pagod. Mahirap naman kasi pag laging seryoso. Pero Pinoy po tayo kaya hindi naman siguro malaking kasalanan ang magkamali tayong mag ingles di ba?

My question is, dapat bang ikorek sila directly or gaya ng ginagawa kong deadma na lang. Nakakahiya kasi na itama baka akala nila I'm cocky eh nagkakamali din naman tayo. There was a time naman when I went over my niece's notes, and I saw her definition of sewing kit (work done by a needle), then she was like, "tita yan po definition ni teacher. Wag na po natin palitan". I just wish na ibayong mapahusay pa ang edukasyon ng ating future teachers dahil sila ang malaking impluwensya ng ating mga mag-aaral. At isa sa ipinagmamalaki ko ang mga guro ko noon sa RIZAL HIGH SCHOOL, wag na po ninyong alamin kung anong school year dahil kabastusan na po yata iyon...joke. :D I still remember my advisers, Mr. Amado Baligod, woohoohoo...ang bait niya and he pronounced my name as Liunura :D, si Miss Jose na ubod ng sexy...nakalimutan ko ang first name niya, Mrs. Consuelo (resting in peace na siya), si Mrs. Casmiano, Mr. Salvador (charing), and another Mr. Salvador (harhar, dahil badblood kami), Mrs. Pusta na imbes magalit sa kalokohan ko ay nangiti pa sya instead...dahil may ginawa pong kalokohan ang mga boys noon...nagpadikit ng chewing gum with matching buntot na papel...hay naku pinatayo lahat at may naiwang 1...ako po ang may gawa...hahaha! Vera kalokohan ng ate mo noh? Kaya naaliw din ako sa iyo eh. Imagine na she was a terror teacher noon. And who would forget the petite and lovely dark-skinned Miss Fabela...na teacher ko sa Pilipino. Nasaan na kaya sila. I've lost contact na sa kanila. Also Miss Policarpio and Ladigohon, na PE teacher namin. Hay 2 lang ang paborito ko, ang CAT at English class namin.

:D

No comments:

Post a Comment

Please be nice... :D